Hangal na pagmangha
Bakit marami sa ating mga Pilipino (tayo) ang namamangha tuwing nakaririnig ng matalinhagang salitang Tagalog? [Read: Wow ang lalim nun pre!] Tuluyan na nga ba tayong nagiging dayunan sa sarili nating wika? Nawa'y hindi na maulit ang nangyari sa Alibata -ang sarili nating alpabeto na hinayaan lang nating maglaho nang yakapin natin ang dayuhang sistema ng pagbaybay.
Hindi naman kailangang talikuran ang Ingles. Ngunit hindi ba't mas kahanga-hanga kung magiging bihasa sa dalawang wika?